MENSAHE GALING SA ADMINISTRATOR,
LAND REGISTRATION AUTHORITY
Napagpasyahan ng ating pamahalaan na bahagyang buksan na ang ibang mga kalakal sa ating bansa hindi dahil wala na ang pandemya, kundi dahil hindi na kakayanin ng ating ekonomiya.
Ang programa na ito, na brainchild ng inyong lingkod, na pinapatupad ng Land Registration Authority (LRA), sa tulong ng Land Registration Systems, Inc. (LARES), ay naging operational noong January 06, 2020.
Dito sa website na ito mag-e-encode ang clients ng mga entries ng kanilang mga transactions, at pagkatapos ay ipri-print nila ang Registration Application Form (RAF) na naglalaman ng mga sumusunod:
1. Data ng kanilang na-encode;
2. Bar Code; at,
3. Listahan ng mga documents na kinakailangan i-submit sa Registry of Deeds (RD).
Dahil nakalista sa nasabing RAF ang mga required documents, na ibinagay ng computer program batay sa mga information na na-encode ng client, maiiwasan na ang pag-require ng karagdagang requirements maliban sa nakalista sa RAF. Hindi masasayang ang panahon sa pagkuha ng mga requirements na hindi kailangan.
Hindi na rin magiging hadlang at dahilan ang mga napakaraming kailangan i-encode ng mga empleyado natin, dahil ang client na ang mag-encode.
Dadalhin ng client ang RAF sa RD at kapag nabasa na ito ng Bar Code Reader na isasagawa ng kinauukulan doon, ito ay papasok sa data ng LRA.
Ip-proof read ng Entry Clerk at Encoder ng RD ang data na nakapasok, magpi-print ng Transaction Preview Notice (TPN) at ibibigay ito sa client at lalagdaan niya ito.
Sa TPN, na pinapatupad na ng LRA simula October 15, 2018, binibigyan ng karapatan ang client na mag-submit ng correction sa kanyang transaction bago pa ito ma-approve, dahil kapag na-approve na ito, alinsunod sa Sec. 108, P.D. 1529, ang anumang kasunod na correction nito ay maaaring kakailanganin ng pahintulot ng hukuman.
Kahit walang training kayang i-encode ng transacting public ang mga simple sale at mortgage, na bumubuo ng mahigit-kumulang na 326,664 transactions na pumapasok sa RD kada taon.
Para malaman ang guide kung paano mag-encode nito, i-click ang link na ito: Manuals
Ang mga guide ay hindi nangangailangan ng analysis, tinuturo lang nito saan hahanapin ang mga dapat i-encode.
Sa madaling panahon, gagawan na rin natin ng guide ang mahigit-kumulang na 997,006 transactions na pumapasok sa RD kada taon, at mahigit-kumulang na 2.7 million na mga transactions kapag kasali sa bilang ang mga requests for CTC at ibang verifications.
Hindi kasali sa nabanggit ang ibang mga transactions na multiple at complicated dahil kailangan dumaan muna ng training bago matutunan itong gamitin ng wasto. Walang bayad ang training, magpa-schedule lang sa LRA o sa pinakamalapit na RD.
Habang ang programang ito ay ipinapatupad na, patuloy pa rin ang pagdagdag ng mga guidelines para sa mga gagamit nito at patuloy ang pagsasaayos ng programa, at bukas din ang ahensya sa mga suggestions para mas mapapabuti pa ito.
Para mas matugunan pa ang mga karapatan ng mga may-ari ng lupa, maliban sa programang ito, na tatawaging CLRP (2020), ang LRA ay lumikha rin ng mga sumusunod na programa: eTitle "Kaliwaan" Program (2020), Transaction Preview Notice (2018), Title Ready Program (2020), TOIVS (2018), eSerbisyo (2020), Electronic TD (2017), eSignature (2020), at A2A (2012). Para malaman ng transacting public paano gamitin ang mga ito, magsasagawa ng mga patalastas ang LRA at sa takdang panahon na wala ng banta ng COVID-19, magsasagawa rin ng mga seminars.
Mabuhay at tulungan nawa tayo ng Diyos!
Sa ngalan ng lingkod bayan,
RENATO D. BERMEJO
Administrator, LRA